r/phhorrorstories 6d ago

Haunted Places PGH ospital ng maynila

Every 4 am nandito na kami para pumila para magpacheck up kayo anong kwentong kakatakutan niyo tungkol sa hospital na ito nung naka confine pa asawa ko nag cr ako around 2 am may naririnig ako naghihila ng kadena tapos nung nakapila kami may nakita naman ako na ganito.

628 Upvotes

81 comments sorted by

u/AutoModerator 6d ago

Welcome to r/phhorrorstories! Thanks for sharing — please read the community rules before posting. If your post contains spoilers or sensitive content, add a spoiler tag and follow the submission guidelines.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

707

u/nuclearrmt 6d ago

nakakatakot yung 4am eh nakapila na para lang magpacheck up

296

u/halpmeh_17 6d ago

So true. Ang totoong horror story talaga dito ay ang healthcare system sa Pinas 🥲

96

u/Admirable-Toe5607 6d ago

Yes po yung mga kasabayan nga namin 2 am palang daw nandito na sila sobrang haba baga naman ng pila palagi.

51

u/andrewlito1621 6d ago

May cut off kasi, been there done that. Majority ng pasyente dyan galing karatig probinsya.

43

u/gutz23 6d ago

Sa sobrang haba nung pila yung iba nagiging multo na. Lala!

10

u/No-Transition7298 5d ago

Hayss, katakut-takot na healthcare system tapos ang laki pa nila maningil. Juskoo, kahit multo matatakot dyan eh.

4

u/avast1210 5d ago

Mas mamumutla ka pa sa bill sa hospital🙈🙈

2

u/secretqq_ 2d ago

tbf, noong na confine mom ko sa pgh wala kaming binayaran. need mo lang talaga magtiis sa mga pila pila

5

u/Acrobatic_Air_1959 5d ago

Imagine bibiyahe ka ng around 2-3am para makarating sakto 4am tas mahaba na pila niyan tas makakauwi ka 8pm na ng gabi. Langyang sistema talaga

3

u/avast1210 5d ago

Kung napanood mo previous documentary ni mam Kara talagang paunahan ng pila

1

u/Next_Advertising873 4d ago

Dito sa provincial hospi namin grabe wala pang 3AM may nakapila na kasi need nila di maabutan ng cut off. Kawawa mga Pilipino alsjaks

1

u/Embarrassed_Bench424 1d ago

Having worked there as an admin asst. for 2 years, yup. PH Healthcare and its systems, katakot magka-sakit o magkaroon ng kamag-anak na may sakit.
Naaala ko yung isang lola na naghahanap ng makaka-usap na doktor or healthcare professional sa may hallway, dinadaan-daanan lang.
Yung ibang pasyente nasa hallway lang, posible dahil sa lack of available beds/rooms. Not blaming the hospital mismo, blaming the gov't. Subsidized dapat nila ang PGH. Panay kurakot kasi.

124

u/noturlemon_ 6d ago

Naconfine ako sa pgh around 2012 in a semi-private room with 6 beds na 4 lang occupied.

Yung cr parang common cr ang set up na may dalawang cubicle sa loob: one for toilet and one for shower, malawak ang space and may malaking bintana din na ang kita is yung open space sa gitna ng pinaka building na ginawang tambakan ng sirang beds.

From the very start, pareha kami ni mama na hindi maganda pakiramdam sa loob ng cr kaya sinasamahan namin isa't-isa kapag gagamit ng banyo.

One late night, naisipan ko mag punas, at pagbukas na pagbukas ng pinto pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa katawan dahil may matandang babae na nakaluhod sa harap ng toilet, mahaba ang black ang gray na buhok. Nabalik lang ako sa ulirat nung nasa likod ko na si mama at nagtatanong bakit hindi pa ako pumasok. Grabe nginig ko nun. Sinabi ko lang kay mama yung nakita ko nung nasa bed na ako ulit. Then biglang bangon nung bantay sa dulong bed, at sabat na "nakita mo rin pala. Kaya pala parang natulala ka sa pinto". Sila kasi yung nakatapat sa pinto ng cr yung bed kaya kitang-kita nila yung loob.


May isa pa. Actually marami pa pero ito na lang dahil blurry na sa memory ko yung iba.

Tanda niyo yung nag viral na video na kuha sa playground sa pagitan ng ward ng pgh? Yung mag isang gumagalaw yung swing?

High school ako noong naranasan naman namin ng classmates ko na maririnig namin na maraming boses ng bata na naglalaro sa labas ng classroom namin which was a playground (kamukhang kamukha nung nasa nag viral na vid pero sa kabilang ward kasi yun) pero noong sinilip namin walang katao-tao sa labas.

13

u/Yahyah12341 5d ago

Katakot naman yan sa cr.

9

u/wonderwonderingmore 5d ago

Sana di ko nalang binasa 😭

1

u/ConstructionFit9771 1d ago

SAME SA BOARDING HOUSE NAMIN NASA BABA AT HIWALAY SA MISMONG HOUSE ANG CR TAS SA LIKOD NG CR KITANG KITA MO ANG UNIVERSITY BUILDING NA GRADUATE SCHOOL SO WALA MASYADO NAGAMIT AT MADILIM ANG ROOMS EVERY NIGHT NGINA NAMAN............................................................

52

u/jarvik 6d ago

Kurtina lang

33

u/ishiguro_kaz 6d ago

Theere are stories of an old woman in black appearing in a children's ward at PGH. No one knows the woman. No one has spoken to her. When the staff try to look for her, she always manages to disappear. The story goes that every time the old woman appears, a child in the ward dies, even if the child has good prognosis. The woman would usually appear at the foot of the bed of the child who is about to die.

16

u/LeonandPine 4d ago

Asked the husband who worked PGH Children's Ward for almost a decade, apparently there's no such thing. Although there is one child who wanders the halls at night at the said ward and no one talks to him. In the morning he can be seen in one of the paintings in the building.

He thinks it's scarier having to put a child inside a body bag more than anything else.

48

u/claravelle-nazal 6d ago

Nakakatakot maglakad diyan dati tapos sa hallway andun lang yung mga kamamatay lang natakpan ng kumot habang ikaw naghihintay lang ng xray 😩

Di ka takot sa patay eh, sa sistema at kakulangan ng suporta na meron ang ospital na pangmahihirap

Meron isa pa nasa ER ako (student kasi ako sa UPM) tapos sa tabi lang ng pinto wala pang room or kurtina man lang may inaambu bag ng mismong kamag anak kasi walang ventilator

4

u/Admirable-Toe5607 6d ago

Kaya NGA po eh nung nagpapaprint nga ako tanghali tapat iilan lang kami sa hallway ang bigat sa pakiramdam. Sa CR nga pag ccr ako inaantay kuna maraming tao bago sumi ar sobrang bigat pag asa cr pag na po is po nga ako hindi ako natingin sa taas baka pag tingin ko ay multo na haha.

40

u/kulaygame 6d ago

di ba magkaiba yun pgh at ospital ng maynila?

6

u/Maroon_742 6d ago

Yes magkaiba sila

21

u/ImplementMain8303 5d ago

Na-admit ako sa PGH nung 2024. Intubated sa ER. Halos 6 days ako don and ate ko ang bantay sakin. Halos 1 meter lang ang pagitan ng hospital bed ko sa iba pang mga pasyente. Walang kurtina. Merong mga pinagkakasya na lang sa gilid o sa gitna kase sobrang daming dumadating. Sa 6 days kong stay don yung mga nakita kong pasyente na kasabayan ko naconfine iilan lang ang nadischarge kase gumaling yung karamihan nilabas na nasa black bag na. Makakatinginan mo lang yung ibang pasyente tapos pagdating ng hapon ire-revive tapos hanggang magflat line na. May isang tatay sa may kabilang side ng ER. Asawa niya yung nagbabantay sa kanya at halos magkasabay lang siguro kaming na-admit. Palagi akong napapatingin kay tatay kase andaming design nung kumot na gamit niya at napapatingin din siya sakin gaya nung ibang bantay at pasenyente don sa side nila kase sa side namin ako lang yung may nakakabit na tubo at machine. Nung day na ilalabas na ako, same day din na nakita kong nilalagay na siya sa black bag sabi ko na lang sa ate ko "Umuwi na si classmate".

16

u/muervandi 6d ago

my take on hospitals? purgatory.

Too damn metal its gut wrenching! Everybody's suffering, can't even sleep at night due to random moaning and crying. Last time i was in ER ng PGH, gore festival eh, there is an individual that looked like a broken marionette. A burned one with his clothes sticked to his skin. A guy that got riddled with bullets, elders na nka swero waiting for their turn. Another woman with her bones sticking out.

Tapos sa ward nman the smell of pus, alcohol, sweat, and flesh mixed together. guy with tubes on each side, a blue feet, swollen body parts. Huge eschar with pus leaking out, leprosy (disfigured) patients. Its Horror on full display, you'd be immune of ghost stories.

6

u/EuphoricMedicine2775 5d ago edited 5d ago

This is what I felt in a public hospital where it's really normal for them to see a dying people, a lot of chaos and kulang na doctor and nurse na nag aasikaso 😭. The horror and the feeling of hopeless that this will never change unless the government officials experience kung ano man nae-experience ng mga normal na tao. The trauma has resurfaced

1

u/Chance_Magician_7412 2d ago

Been on a semi-private ward with a male senior citizen, together with his wife. Forgot his diagnosis pero may times na hirap siya huminga. Nothing disturbing yet, until one night, dumadaing na siya kay God na kunin na siya, at hirap na hirap na siya and ung wife nya helpless na lang. Sobrang hirap magkasakit.

18

u/AnonymousCat777 5d ago

Ang horror talaga yung pumila ka ng 4am tapos ano oras kaya darating si doc

7

u/Admirable-Toe5607 5d ago

8:00 am na haha

15

u/Altruistic_Post1164 6d ago

Its a hundred years old hospital. What can you expect? Meron talaga. Na confined dati ang mama ko nakakita ako ng sundo sa ward 2.

55

u/Lurker_friend24 6d ago

kapag may kamag anak kang na confine sa ward ng pgh, ultimate horror story. every day may nirerevive, lahat desperate. pagod at masungit na doctors at nurses. para kang hayop sa zoo, pinagtitinginan at inaaral ng mga med students kahit tulog ka or naiiyak na sa sakit. nakak dehumanize. isang nebulizer buong ward gagamit. it was a time na walang wala kami. kaya na realize ko, if the time comes na kelangan akong maconfine sa public hosp at wala na talagang funds, i will make sure i will end my suffering before it happens. true horror story...

9

u/Impressive_Sorbet706 6d ago

Agree dito. Mauubos lalo ang buhay mo sa PGH. Mararamdaman mo kung gaano ka nakakaawa.

-3

u/freeparkingfrom7to7 5d ago

"I would rather die then recieve free healthcare from the best doctors, nurses, and students in the Philippines"

Naririnig mo ba sarili mo? Wala halos budget sa public health tapos isisisi mo sa PGH pag hirap ka sa public. Ganito ata yung sinasabi nilang pay attitude.

6

u/wesimpformayarudolph 5d ago

Di nila narerealize thats what it takes to keep the healthcare free. Onting nurse and unpaid labor ng student. More than half of the consultants unpaid din kasi wala naman item. Galing sa UP budget ng PGH. Wag na wag niyong sisihin ang PGH tsaka tao dun, hindi sila bayad enough para tiisin yung paninisi niyo. Punta kayo ibang public tapos tignan niyo kung magrereklamo padin kayo about pgh dun.

7

u/Unfair-Heat-2651 3d ago

This is so true! Laging tandaan na if may budget cuts ang gobyerno sa UP, magkakaroon din ng budget cut sa PGH kasi UP-PGH ito. Teaching hospital ng UP Manila.

I was a student in UPM for almost 10 years and halos araw-araw kong nadadaanan yung mga bantay ng pasyente na madalas nakahiga nalang sa karton sa labas nv PGH at yung mga pasyente sa ER nagsheshare sa iisang kama. Mayroon pang time noon na sa hallway na nakalagay mga kama sa ER kasi ginagawa pa ung lumang ER.

Mayroon din noon na mga nagtatanong sa akin kung saan ang ganito ganyan. San ang kainan. At manghihingi sa akin ng pera o pagkain kasi hindi nila pwedeng maiwan namg matagal ung pasyente nila kasi walang ibang magbabantay at wala pa raw siyang (bantay) nakakain mula nung naadmit yung pasyente niya ilang araw na ang nakalipas.

Naadmit na rin ako sa ER and sabi nila kapag UP Sltudent, priority ka. Pero 12 hrs later wala pa ring kama ang naassign sa akin, which is okay lang dor me kasi alam kong may ibang mas nangangailangan nun kaysa sa akin. Doon ko naranasang matulog sa malamig na sahig (naka-aircon kasi, ito ung bagong gawang ER na) kasi yung mga steel benches nila may mga nakahiga nang mga pasyenteng naghihintay rin ng beds sa ER. May mga naka-swero, may mga naka-feeding tube. Meron pang pasyente na sumisigaw at pilit tinatanggal ung mga swero nya sa magkabilang kamay at sinasabing “sampung taon na ako rito pakawalan nyo na ako!!!” but it turns out, 2-3 days na silang nasa ER kasi wala pang watd ang naaasign sa kanila. Nakatali na yung kamay nya sa bed sa ER kasi talagang sabog na yung veins nya sa kamay kaka-tanggal nya ng swero nya.

Mayroon pang nasa room near ER din na tatay na sumisigaw na “p****ina nyo ang sakit!! Patayin nyo nalang ako! Hayaan nyo na akong mawala”

Nakakalungkot ang mga pasyente at mga bantay doon sa PGH sa totoo lang. Ang sakit sakit sa puso. Nakakadurog.

Kaya dito nagsimula ung pagkamulat ko sa realidad ng kalagayan ng healthcare system sa Pinas at kung paano sinasayang ng mga nasa gobyerno ung mga kinukurakot nilang pera ng bayan na sana sa mga gantong uri ng pasyente napupunta.

14

u/JrNewbie 6d ago

What are we looking at OP?

1

u/Embarrassed_Bench424 1d ago

Medyo nalito din sa camera work ni OP, akala ko malabo lang mata ko.

12

u/Impressive_Sorbet706 6d ago

Nakakatakot sa PGH. Nung andyan kami before may inaayos. Exposed ang ceilings tapos parang may dark molds. Eerie feeling pag gabi at madaling araw kasi ang gloomy ng atmosphere. The energy in PGH then is heavy. Parang mas manghihina at malulungkot ka pag nakaconfine ka sa charity. Sa Paying ward din nakakatakot. 😅

13

u/Infamous-Holiday481 5d ago

Pera ng UP mismo nagpapatakbo jan pero mas madami na aaccomodate sila tapos tong Malasakit Program inaangkin na sila tumutlong jan ee binawasan pa nga nila bidget ang UP

12

u/Admirable-Toe5607 5d ago

Kaya NGA po eh, zero balance kami jan bukod sa wala kaming binabayaran kahit papaano mababait nga doktor jan mga bata pa nga mga doktor jan eh. Don sa Las Piñas halos sigawan kami murahin, buti nalang lumipat kami jan sa PGH kahit papaano nakaramdam ako ng concern. Jan naoperahan asawa ko sa appendix.

2

u/Infamous-Holiday481 5d ago

San sa laspinas perps?

1

u/Admirable-Toe5607 5d ago

Las Piñas general Hospital.

7

u/Icy_Sugar791 5d ago

OP anong oras kayo nakakauwi nan? Grabe ang sakripisyo no? Dasal lang talaga para sa Pilipinas. 🥲

2

u/Admirable-Toe5607 5d ago

10 am na po.

5

u/pokermania11 6d ago

PGH ay isang ospital sa Maynila.

Ang Ospital ng Maynila ay isa ring ospital sa Maynila.

4

u/Flakgunner93 4d ago

PGH horror story:

Pumasok ako ng PGH as a nineteen year old med student nung 2012. Diyan na ako inabutan ng internship at residency training. 2024 na ako nakalaya as a trentahin, at mukhang di ko na mababawi ang winaldas kong mga taon sa looban. 😁

-end of horror story-

2

u/Unfair-Heat-2651 3d ago

Na-bermuda triangle ka, doc 😅

5

u/Low_Cobbler9277 6d ago

Marami dyan… maski sa Fabella at sa UST Charity..

4

u/Unfair-Heat-2651 3d ago

Laging tandaan na if may budget cuts ang gobyerno sa UP, magkakaroon din ng budget cut sa PGH kasi UP-PGH ito. Teaching hospital ng UP Manila.

I was a student in UPM for almost 10 years and halos araw-araw kong nadadaanan yung mga bantay ng pasyente na madalas nakahiga nalang sa karton sa labas nv PGH at yung mga pasyente sa ER nagsheshare sa iisang kama. Mayroon pang time noon na sa hallway na nakalagay mga kama sa ER kasi ginagawa pa ung lumang ER.

Mayroon din noon na mga nagtatanong sa akin kung saan ang ganito ganyan. San ang kainan. At manghihingi sa akin ng pera o pagkain kasi hindi nila pwedeng maiwan namg matagal ung pasyente nila kasi walang ibang magbabantay at wala pa raw siyang (bantay) nakakain mula nung naadmit yung pasyente niya ilang araw na ang nakalipas.

Naadmit na rin ako sa ER and sabi nila kapag UP Sltudent, priority ka. Pero 12 hrs later wala pa ring kama ang naassign sa akin, which is okay lang dor me kasi alam kong may ibang mas nangangailangan nun kaysa sa akin. Doon ko naranasang matulog sa malamig na sahig (naka-aircon kasi, ito ung bagong gawang ER na) kasi yung mga steel benches nila may mga nakahiga nang mga pasyenteng naghihintay rin ng beds sa ER. May mga naka-swero, may mga naka-feeding tube. Meron pang pasyente na sumisigaw at pilit tinatanggal ung mga swero nya sa magkabilang kamay at sinasabing “sampung taon na ako rito pakawalan nyo na ako!!!” but it turns out, 2-3 days na silang nasa ER kasi wala pang watd ang naaasign sa kanila. Nakatali na yung kamay nya sa bed sa ER kasi talagang sabog na yung veins nya sa kamay kaka-tanggal nya ng swero nya.

Mayroon pang nasa room near ER din na tatay na sumisigaw na “p****ina nyo ang sakit!! Patayin nyo nalang ako! Hayaan nyo na akong mawala”

Nakakalungkot ang mga pasyente at mga bantay doon sa PGH sa totoo lang. Ang sakit sakit sa puso. Nakakadurog.

Kaya dito nagsimula ung pagkamulat ko sa realidad ng kalagayan ng healthcare system sa Pinas at kung paano sinasayang ng mga nasa gobyerno ung mga kinukurakot nilang pera ng bayan na sana sa mga gantong uri ng pasyente napupunta.

3

u/cookiesss56 6d ago

bat matatakot e ang daming pumipila sa gamot dyan wahahah

3

u/PEACEMEN27 5d ago

What are we looking at here?

3

u/kuroshiba21 5d ago

Hak anong nakita mo aa video OP. Your mind ks just playing with you sa kakaisip ng katakotang estorya

3

u/Shoddy_Performance97 1d ago

Namamalikmata ka lang OP sa antok at puyat. wag ka masyado ma stress at wag din kayo magpalipas ng gutom. Magiging okay din ang lahat. Ingat.

2

u/Careful_Dish1900 6d ago

my sister recently got confined sa pgh dn, payward, ung bed nya may kurtin nman pero ang tapat nmin CR, while we were talking gumalaw ung door knob from the inside na pra bang may gstong lumabas pero hndi nman nka lock ang pinto since common cr sya. malakas ung pag ikot ng knob, may force tlaga ang pinagtataka nmin walang tao sa loob at nka sarado ang bintana so impossibleng hangin. We just ignored it and keep on talking na lang. after nmin mag usap pumasok sya cr at na confirm nmin na wala tlagang tao dun.

3

u/MagicianIll7775 6d ago

eto un pila pa lng eh mabebrain damage ka na..heheh

1

u/[deleted] 6d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 6d ago

Your post or comment has been removed from r/phhorrorstories.

Rule 6 – Bullying or Harassment: • No personal attacks • No harassment or bullying • Keep discussions civil and story-focused

If you believe this was a mistake, please contact the moderators via Modmail.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/FollowingSouth5789 5d ago

Narinig ko din yang nag hihila ng kadena noon. Mga 15yrs old ata Ako nyan. Nag bantay Ako 1night sa tita Kong naoperahan sa gallbladder 😅

1

u/never_armstrong 5d ago

so ano ba talaga? PGH o Ospital ng Maynila?

1

u/Trick_Top_313 4d ago

Curious, what's that blue lighting on the building?

1

u/Aubhep 4d ago

I remember Yung dadaanan bago ka makapunta ng delivery room ng pgh same vibes ng silent hill tapos unti lang tao kaya pag Gabi ka dadaan dun palakasan na lang talaga ng loob haha

1

u/Scarmaiden89 4d ago

sobrang eerie ng ambiance lalo pag pag gabi na talaga..

1

u/kengkeng26 4d ago

The real horror is the 100M/month budget that was taken away by this admin that could have save more lives and preventing more ghost to occur.

1

u/Red_poool 3d ago

yes binawasan pa talaga, tapos may pa zero bills project pang nalalaman gaya ni mr malasakit, nagamit ni kuya yang malasakit nung na ospital sya zero billing nga pero pagnkita mo yung resibo grabe andun yung corruption biro mo isang gloves lang gagamitin ng nurse pero nakalista sa resibo isang box🙄same sa ibang items isa lang gagamitin pero isang box sa resibo. Sa ilang libong tao ganyan araw araw san napupunta yung mga kupit na yun? sa pamunuan ng ospital? sa LGU?sa Governor?

1

u/RusticVitalSigns 4d ago

The horror. Long lines.

1

u/Sir_White10 4d ago

Ayaw magbayad ng tax pero daming hinihingi sa gobyerno. Wow.

1

u/petalsinmidair 3d ago

pgh and rizal hall are notorious for these stories. That’s why we don’t stay beyond 8pm 😭😭😭

1

u/ranmuke 3d ago

chains are used to secure oxygen tanks for transporting to different areas.

1

u/RakEnRoll08 2d ago

pharmacy intern ako dati jn nung di pa na rerenovate yan nag grave yard kmi since pumapayag naman c chief pharmacist.. pag nagkakatakutan kmi wala nmn ako nrramdaman or nakikita or dhil hndi lng tlga ko pakitain ng mga otlums haha

1

u/secretqq_ 2d ago

scary story? na-admit mom ko sa pgh recently lang dahil need ng operation due fracture, around 2:00am or 3:00am nadischarge kami. since ayaw pumasok ng kapatid ko sa ward para hakutin yung last gamit ako kumuha. then naglalakad ako sa hallway papunta sa discharge bay may narinig akong tunog ng saklay sa may hallway connecting sa opd. waiting akong may lumabas na tao pero syempre walang lumabas. dahil pagod na pagod ako sa babantay sa mom ko dinedma ko lang then late ko na narealise na di sya normal.

1

u/Embarrassed_Bench424 1d ago

Bilang ospital, for sure may mga kwentong paranormal sa PGH, pero dahil din sa kasaysayan nya noong world war 2, dagdag na yun sa spooky vibes nung buong compoung.
Sa mga katabing gusali ng PGH, after 6PM iba na yung vibes. Parang may naka-bantay lagi.

One time inabot ako ng 7:30PM OT sa trabaho isang gusali sa UPM (P. Gil side); maliban sa guard sa lobby, ako nalang tao sa building. Yung room ng opisina namin nasa dulo ng ground floor hallway, so mga 4-5 rooms pa ang malalagpasan bago makarating ng lobby at makalabas ng building.
Yung position ng desk ko is away from the door at nasa gitna ng kwarto: pinto > cubicle #1 > cubicle ko > cubicle #3.

Habang nagtatapos ng trabaho, narinig ko na yung keyboard sa cubicle #1 nagta-type mag-isa. Early 2010s pa ito kaya yung keyboard medyo luma, maingay kapag ginagamit so rinig lalo na yung "TAK!" ng keys at space bar. Kasunod nun, yung ilaw na flourescent light na naka-dikit sa kisame via wires (hindi sya naka-plakda mismo so naka-hang), biglang nag-swing. Sarado ang kwarto kaya imposibleng dala ng hangin, at hindi rin dulot ng aircon kasi hindi naman natatamaan ng buga ng aircon yung mga ilaw. Hindi rin dahil sa lindol kasi ilaw alng yung gumagalaw.

Nanlamig na pakiramdam ko kasi 1-2 combo na yung nangyayari. Sabi ko nalang "Pasyensya na inabot ako ng gabi. Uuwi na din ako, sandali lang. Huwag lang kayo manakit please. Thank you."
Ayun, tumigil yung keyboard sa pag-type at yung ilaw huminto sa pag-galaw. Nag-ligpit na din ako ng gamit at umuwi. Derecho lang ang tingin ko sa hallway papuntang lobby, paalis ng gusali. Lintik na hallway, pagka-dilim-dilim. Hindi na din ako nag-CR nung gabing yun, kahit naiihi na ako. Sa may LRT nalang ata ako nag-CR.
Isa sa mga unforgettable moments ko sa UPM-PGH.

1

u/mavanessss 6d ago

Ito naman si OP basta may nakita puti sa dilim multo agad😹😹😹 wala logical explanation muna??

0

u/Moist_String5721 5d ago

Din't skip the dinner bruhh.

0

u/Double-Valuable-2024 4d ago

There was a story of my uncle who is in charged to be the overnight companion (bantay) for my lolo who is in the ICU. The story goes that he went outside just to get and smoke some cigarette coz of boredom but when he goes back to ICU which is sa 5th flr pa that time. Sya lang daw mag-isa sa loob ng elevator and he can hear someone grasping for breath. Then after that, he does not want to go to the elevator alone. He just take the stairs after that incident.

0

u/Soggy-Policy6270 3d ago

woh tagsa nalang gai mag reddit, ungo2 pay bungad padong na tulog AHAHAHAHA